(NI ABBY MENDOZA)
UMABOT sa 9.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, ang pinakamalamig na naitala ngayong taon.
Ayon sa report ng Philippine Atmosphetic Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas 5:30 ng madaling araw nang maitala ang 9.8 degree celsius sa kanilang Synoptic Station sa Baguio City.
Ito ang siya nang pinakamalamig na naitala ng Pagasa mula nang ideklara ang panahon ng hanging Amihan noong Oktubre 2018. Matatandaan na noong Enero 22 ay pumalo sa 10.4 degree celsius ang temperatura sa summer capital.
Aminado ang PAGASA na magtatagal pa ang malamig na klima hanggang sa buwan ng Pebrero kaya asahan pa ang pagbaba ng klima sa ilang lugar sa bansa lalo na sa Baguio City.
273