BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 40 NA

victim

(NI KEVIN COLLANTES)

INIULAT ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa 40 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa, tatlong araw pa bago ang pagsalubong sa taong 2019.

Sa inilabas na Fireworks-Related Injuries (FWRI) Report ng Department of Health (DoH), nabatid na mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 27 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 28 ay nakapagtala pa sila ng walong bagong biktima ng paputok.

Karagdagan ito sa 32 kaso na unang naitala mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 27.Nabatid na ang mga bagong FWRI cases ay mula sa Regions IV-A na may dalawang kaso, habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa Regions II, III, VII, VIII, at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ipinagmalaki naman ng DoH na kahit umabot na sa 40 ang naitatalang FWRI cases, ay mas mababa rin ang naturang bilang ng 38 kaso o 49%, kumpara sa dating 78 kaso na naitala nila sa kahalintulad na reporting period noong 2017. Ang mga naitalang biktima ng paputok ay nasa edad 2 hanggang 69 taong gulang na. Ang 36 sa mga bagong kaso ay pawang lalaki, at 38 naman ang nasugatan sa paputok, habang dalawa ang nakalunok ng paputok.

Nasugatan ang mga biktima dahil sa paggamit ng boga (11), kwitis (5), triangle (3), piccolo (3), baby rocket (2), luces (2), gayundin sa camara, pili cracker, 5-star, flash bomb at iba pa. Ang 23 sa mga biktima ay nagtamo ng sugat o lapnos, apat ang kinailangang putukan ng daliri, at 13 naman ang nasugatan sa mata. Muli namang nanawagan ang DoH sa publiko na umiwas na sa paggamit ng paputok upang makaiwas sa disgrasya, pang-habambuhay na kapansanan o di kaya ay kamatayan

17

Related posts

Leave a Comment