ANAK PATAY, AMA SUGATAN SA BANGGAAN

SOUTH COTABATO- PATAY ang apat na taon na gulang na batang lalaki habang sugatan ang kanyang ama makaraan mabangga ang kanilang sinasakyang  motorsiklo kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Francisco Talino, 4-anyos habang sugatan naman ang ama nito na si Boy Talino, 44-anyos residente ng Barangay Hanoon, Lake Sebu, South Cotabato.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 3:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Provincial Road, Purok Sampaguita, Barangay Lamsugod ng naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon, nakainom umano si Boy habang minamaneho ang motorsiklo nito angkas ang kanyang anak.

Nang dumating na sila sa kurbang daan dito na nawalan ng kontrol  si Boy dahilan upang ma-bunggo ang mga ito sa steel barriers.

Agad na dinala ospital ang mag-ama subalit ideneklarang dead on arrival si Francisco habang patu-loy namang  ginagamot si Boy.

6

Related posts

Leave a Comment