HINALAY BAGO PINATAY

NEGROS OCCIDENTAL – Basag ang bungo at walang saplot pang ibaba nang matagpuan sa isang babaeng pinaniniwalang pinagsamantahan bago tuluyan pinatay ng hindi pa kilalang suspek  kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Merlyn Villamar, nasa hustong gulang at nakatira sa La Carlota, Negros Occidental  na sinasabing ikakasal na sana sa kanyang kasintahan sa susunod na buwan.

Nakita rin sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang bato na may dugo na pinaniniwalaang ipinukpok sa biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Lumalabas sa pagsisiyasat, huling nakita si Merlyn noong Sabado ng gabi, matapos makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan at kapatid.

Nagpaalam umano ito na mauuna nang umuwi, ngunit hindi na  ito nakarating sa kanilang bahay.

Paniwala ng pulisya, posible ginahasa ang biktima at ninakawan din dahil nawawala ang kanyang motorsiklo at cellphone.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

7

Related posts

Leave a Comment