POP DIVA MARIAH CAREY RELEASES NEW ALBUM, SETS 2019 WORLD TOUR

Multiple Grammy award winner Mariah Carey has just released a new album titled Caution. Ika-15 studio album na niya ito.  So far, puro papuri ang natatanggap na reviews ng album, at dahil dito, biglang sumirit sa iTunes charts hindi lang ang bagong album na ito kundi pati ang sountrack sa 2001 movie ni Mariah na Glitter!

Ang lead single ng album, “With You,” ay nauna nang ni-release last month (October 4). Bago pa nito, ni-release naman ang promotional single na “GTFO” noong September 12; at “A No No,” itong November 1 lang.

2014 pa nang huling mag-release ng studio album si Carey. Ito ay ang Me: I Am Mariah… The Elusive Chanteuse.

Mayroong 10 tracks ang album. Bukod sa mga nabanggit nang singles, ang ibang tracks sa album ay ang mga sumusunod: “Caution,” “The Distance” (featuring Ty Dolla Sign), “Giving Me Life” (featuring Slick Rick and Blood Orange), “8th Grade,” “Stay Long Love You” (featuring Gunna), and “Portrait.”

In relation to the release of this new album, magto-tour din si Mariah simula February 2019. Tatawagin itong Caution World Tour. Ang tour na magki-kick off sa Dallas, Texas, ay dadalhin niya sa 22 cities. Produced ito ng Live Nation.

5

Related posts

Leave a Comment