AUDITORIUM GINAMIT, EX-DEAN KULONG

nursing

(NI JEDI REYES)

NAHATULANG guilty ng Sandiganbayan 7th Division sa dalawang kasong katiwalian ang dating dean ng state university bunsod ng ilegal na paggamit ng auditorium para sa review classes nito noong 2012.

Anim hanggang walong taon sa bawat kaso maaaring makulong si Susana Salvacion, dating dean ng Southern Luzon State University College of Allied Medicine.

“Having been found guilty for both offenses, accused Susana Ariola Salvacion is perpetually disqualified to hold public office,” saad ng desisyon.

Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, ginamit umano ni Salvacion ang auditorium ng eskuwelahan para sa review classes ng kanyang pribadong review center na Nurmed Hyperlearn Review and Tutorial Services mula Abril 16 hanggang Mayo 14, 2012.

Lumalabas na nag-promote rin umano ni Salvacion sa kanyang review center sa mga estudyante ng eskuwelahan na kukuha ng nursing licensure examinations.

“In this case, it is obvious that Nurmed was favored. Verily, its review classes were conducted at the COAM auditorium, which whether accused Salvacion admits or not, is under her control and supervision being the dean of COAM,” dagdag pa sa desisyon.

Sa kanyang naunang depensa, sinabi ni Salvacion na nirentahan niya ang auditorium ngunit nagbayad siya noon lamang Hulyo 12, 2012.

204

Related posts

Leave a Comment