6 SUSPEK SA BELTRAN SLAY TINUTUGIS

kapitana

(NI JEDI REYES)

TINUTUGIS na ng pulisya ang anim na suspek na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpaslang kay Crisell “Beng” Beltran, ang barangay chairman sa Quezon City na kumakandidatong kongresista sa 2nd district.

Kasabay nito, inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang facial sketch ng isa sa mga suspek batay sa pagsasalarawan ng isang testigo.

“Nung maubusan ng bala yung baril niya (suspek) nag-change mag. Hindi niya siguro masyado makita yung baril, madilim, inangat yung helmet kaya nagkaroon tayo ng lead,” pahayag ni QCPD director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr.

Napatay noong Miyerkules si Beltran, kasama ang kanyang drayber nang puntiryahin ng mga suspek na sakay ng mga motorsiklo.

Sinisilip na ng mga awtoridad ang anggulong pulitika sa paglikida sa lokal na opisyal.

7

Related posts

Leave a Comment