BAHAY NG JOLO BOMBING SUSPECT NI-RAID, 1 PATAY

patikul

SINALAKAY ng awtoridad ang bahay ng sinasabing isa sa mga nambomba ng Jolo Cathedral na si ‘Kamah’ subalit wala umano ito roon.

Gayunman, isang lalaking nagpakilalang kaanak ng suspect ang nadatnan na kinilalang si Ommal Yusop, 62, na nanlaban umano habang tinatanong ng awtoridad. Binaril at napatay si Yusop.

Ang raid ay isinagawa matapos makatanggap ng report na nakita si Kamah sa kanyang bahay sa Kalimayan Village, Barangay Latih, Patikul, Sulu.

Nakatakas din ang hindi pa kilalang suspect nang isagawa ang pagsalakay.

Nabawi sa bahay ni Kamah hang isang .45 caliber pistol, a sniper scope, dalawang mobile phones, at motrosiklo.

Si Kamah ay sinasabing logistician para sa Ajang-Ajang ng Abu Sayyaf sub-group.

8

Related posts

Leave a Comment