NDFP PEACE CONSULTANT BINARIL SA BUS

randya

BINARIL at napatay sa loob ng bus ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant na si Randy Felix P. Malayao, sa Aritao, Nueva Vizcaya, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa report, nasa biyahe  si Malayao nang umakyat ang gunman sa bus bandang alas-2:30 ng madaling araw, nilapitan ang natutulog na biktima at pinagbabaril. Namatay noon din si Malayao.

Bago kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP, dumalo si Malayao sa formal peace negotiations sa Europe bilang consultant ng Cagayan Valley, Nagsilbi rin siyang spokesperson ng NDFP Negotiating Panel sa Europe.

Kumatawan din si Malayao sa mga NDFP peace forums kasama si Secretary Silvestre Bello III, Atty. Angel Librado Trinidad at iba bilang kinatawan ng bansa sa peace negotiations.

Hindi tulad ng ibang NDFP peace consultants, walang kasong kriminal si Malayao sa korte ng gobyerno kaya’t malaya siyang nakadadalo sa ilang peace-related activities.

Si Malayao ay dating political prisoner na dinukot at pinahirapan sa ilalim ng rehimen ni dating pangulong Gloria Arroyo. Nakulong siya ng mahigit sa apat na taon sa Cagayan at Isabela at pinalaya lamang nang mapatunayang hindi siya sangkot sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Si Malayao ay isa ring columnist sa Baguio City-based newspaper na Northern Dispatch.

178

Related posts

Leave a Comment