BAHAY NG VICE MAYOR NI-RAID, 2 PATAY

vice mayor

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG umanoy mga tauhan ng vice mayor ang napatay matapos makipag barilan sa pulisya sa isinagawang pagsalakay sa bahay ng LGU official sa Maguindanao.
Tinukoy ng Maguindanao Provincial Police Office (MPPO) ang target ng search warrant ang bahay ni Datu Montawal, Vice Mayor Ottoh Montawal.
Si Montawal ay isa sa mga pinangalanang LGU official sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa narco-politicians.
Nabatid sa inisyal na report, nangyari ang shoot out sa pagitan ng dalawang security escort ni Montawal at ng raiding team pasado alas 3 ng madaling araw ng Huwebes sa labas ng bahay ng opsiyal.
Nakatakda sanang ihain ng pulisya ng warrant si Montawal pero agad silang pinaputukan ng mga escort na dahilan para gumanti ang mga ito.
Sugatan naman ang isang staff ni Montawal na ginagamot ngayon sa ospital.

7

Related posts

Leave a Comment