BAKBAKAN NG NPA, MILITAR; DAAN-DAAN INILIKAS

escalante12

(NI JG TUMBADO)

SA labis na takot na maipit sa crossfire sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay napilitang lumikas sa mas ligtas na lugar ang nasa 200 residente sa bayan ng Escalante sa Negros Occidental.

Sa San Jose Elementary School compound sa Barangay San Jose ang naging pansamantalang tirahan ng mga naipit na mga sibilyan simula nang sumiklab ang engkuwentro ng magkabilang panig nitong araw ng Huwebes sa bulubunduking bahagi ng Sitio Fuentes, Barangay Mabini.

Ayon kay 303rd Infantry Brigade commander Brigadier Gen. Benedict Arevalo, kasalukuyang nagbibigay ayuda ang lokal na pamahalaan ng Escalante maging ang City Social Welfare and Development sa pangunahing mga pangangailangan ng evacuees.

Habang patuloy pa ang clearing operations ng militar sa lugar ng engkuwentro ay hindi muna pinapayagan ng militar na makabalik sa kani- kanilang mga tahanan ang mga residente hangga’t hindi pa tiyak na sila ay ligtas mula sa banta ng kaguluhan.

Una rito ay hindi bababa sa 10 mga miyembro ng NPA ang nakasagupa ng 79th Infantry Battalion-Philippine Army sa boundary ng Escalante at bayan ng Toboso.

 

 

 

 

111

Related posts

Leave a Comment