BATANG ISIS SINASANAY SA LANAO

isis17

MGA bata umano ang nire-recruit ngayon ng terorista at sinasanay sa mga liblib na lugar sa Lanao del Sur, ayon kay 103rd  Brigadier Commander Col. Romeo Brawner.

Ayon sa report, ang mga bata ay nire-recruit ng mga tauhan ni ISIS leader Abu Dar o Benito Marahomsar kapalit ng pera na hindi naman umano matanggihan ng pamilya. Nabatid pa na mga naulila at kamag-anak ng  namatay ang target ng grupo ng terorista na himukin upang umanib sa kanilang kilusan.

Marami umanong mga bata ang naulila sa Marawi siege at ang karanasan umano nila sa giyera ang armas ng terorista upang mabilis na mahimok ang mga bata at pamilya nito.

Hindi pa batid ng military kung kaninong grupo nagmumula ang pondo para maka-recruit ng panibagong tauhan.

16

Related posts

Leave a Comment