(NI BERNARD TAGUINOD)
UMAABOT sa 2.4 katao ang maidaragdag sa walang trabaho sa Pilipinas matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law na papatay umano sa mga rice industry sa bansa.
Maliban dito, mawawalan umano ng P350 bilyon ang magsasaka kada taon dahil sa batas na ito na pinirmahan ni Duterte sa kabila ng pagtutol ng mga magsasaka sa buong bansa.
“The law is a tombstone for the Philippine rice industry, and will be buried to death, the livelihood and welfare of 2.4 million rice farmers and more farm workers,” pahayag ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.
Taun-taon ay umaabot a 19 million metric tons ang naaaning palay ng mga magsasaka sa buong bansa na nagkakahalaga ng P350 billion subalit maglalaho na rin umano ito dahil sa nasabing batas.
Dahil dito, kinastigo ni Casilao si Duterte dahil mas pinaboran umano nito ang interes ng mga negosyante kaysa sa mga magsasaka na kumontra sa nasabing batas dahil ito ang magsisilbi nilang libingan.
Noong Oktubre ay pinapaspasan ni Duterte sa Kongreso ang pagpapatibay sa nasabing batas matapos magkaroon ng shortage sa bigas na itinuturo ng kanyang administrasyon na dahilan kung bakit lumobo ang inflation rate sa 6.7% noong nakaraang taon.
Nais umano ng gobyerno na magkaroon ng sapat na supply ng bigas sa bansa kaya papayagan na ang mga rice traders na mag-angkat ng bigas ng kanya nilang angkatin taliwas sa dating sistema o quantitative restriction system kung saan may limitasyon ang inaangkat na bigas ng mga negosyante upang hindi mamatay ang rice indutry sa bansa.
Dahil dito, tiyak na babaha ng imported rice sa bansa, ayon kay Casilao na mas mura ang bili ng mga negosyante kaya walang magagawa aniya ang mga magsasaka sa bansa kundi abandohanin na lang ang pagsasaka.
Hindi naniniwala ang mambabatas na magiging dahilan ito para bumaba ang presyo ng bigas dahil hindi umano nababasag ang rice cartel kaya tiyak na ibebenta pa rin nila ito ng mahal sa mga consumers na magpapalala sa kagutuman.
“Hunger, poverty, death, will be the only legacies, are the poor to remember with this regime. Thus, we must resist the destructive impact of flooding of imported rice and demand the repeal of this law,” ayon kay Casilao.
175