BIHAG NG NPA LALAYA KUNG…

sison

PALALAYIN bago mag-Pasko ang binihag na dalawang sundalo at 12 CAFGU sa Agusan de Sur, ayon kay CPP founding chair Jose Maria Sison sa kondisyong itigil ng militar ang kanilang opensiba.

Sa isang statement, nangako si Sison na pakakawalan ang mga bihag para makapiling ang mga mahal sa buhay sa Pasko.

Idinagdag ni Sison, ito rin daw ay para mabigyang-daan ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga binihag na sundalo at CAFGU sa pamamagitan ng 3rd party negotiators.

Magugunitang nilusob ng 50 hanggang sa 80 NPA ang detachment sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur nitong nakalipas na Miyerkules ng alas-3:00 ng madaling araw. Nilimas din ng mga rebelde ang armas ng mga bihag na ngayon ay nakatago sa liblib na lugar sa Agusan del Sur. Ayon kay 4ID commander M/Gen. Ronald Villanueva, batay sa inisyal na imbestigasyon, natutulog umano ang lahat ng mga sundalo sa kampo nang sumalakay ang NPA.

9

Related posts

Leave a Comment