BRGY CAPTAIN PATAY SA PAMAMARIL

LIPA, BATANGAS -Patay ang isang barangay captain sa Lipa, Batangas, makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, nitong Linggo.

Lumitaw sa imbestigasyon, na ang biktimang  si Napoleon Sambayan, kapitan ng Barangay Anilao, ay binaril habang lulan ng kanyang sasakyan at binabagtas ang P. Torres Street sa Barangay Antipolo Del Norte.

Agad tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Isinugod pa sa pagamutan si Sambayan ngunit idineklara na siyang  dead on arrival.

Ayon naman sa misis ni Sambayan, wala silang kilala na nakaaway ng kapitan. Wala rin daw natatanggap na pagbabanta sa buhay.

Patuloy pang Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

8

Related posts

Leave a Comment