PUGANTE PATAY SA BUY-BUST

MINDORO- PATAY ang isang drug suspect na dating preso matapos na manlaban umano sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Puerto Galera, Mindoro, noong Linggo.

Ang napatay na nakilalang  si Dencio Gayod, ay umano sa anim na presong nakatakas mula sa San Pedro Police Station noong Mayo ng nakaraang taon.

Nanlaban umano si Gayod nang malaman niyang mga pulis ang ka-transaksiyon niya sa isang drug deal.

Nakuha mula sa suspek ang 13 sachets ng hinihinalang shabu, marked money na P1,000 ang halaga at kalibre .38 baril.

6

Related posts

Leave a Comment