CAFGU, SUNDALONG BIHAG NG NPA 16 NA

cafgu

INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad ang pagbihag ng mga rebeldeng New People’s Army sa CAFGU members at sundalo matapos salakayin ang detachment ng mga ito sa Sibagat, Agusan del Sur.

Umaabot na sa 16 katao ang bihag simula nitong Miyerkules at Huwebes. Isang Ka Sandra, umano’y tagapagsalita ng Northeastern Mindanao Region (NEMR) ng NPA, ang nagsabing nagsagawa ng mga pagsalakay ang mga tauhan ng Guerilla Front Committee 16 sa CAFGU detachment sa Barangay New Tubigon dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Pinagnakawan pa ng mga rebelde ang detachment bago isinama sa pagtakas ang lahat ng nasa loob ng nito na kinabibilangan ng 12 CAFGU at dalawang sundalo. Isang NPA blockade ang ginawa naman sa Barangay Kulambugan sa nasabi ring bayan kung saan tinangay ang isa pang miyembro ng CAFGU na nakilalang si Bernade Salahay, 51.

15

Related posts

Leave a Comment