CESSNA PLANE BUMAGSAK SA NUEVA ECIJA, 2 SUGATAN

cessna12

(NI KIKO CUETO)

 

BUMAGSAK sa Barangay Homestead, Talavera sa probinsya ng Nueva Ecija Lunes ng umaga ang isang 2-seater Cessna plane.

Sa imbestigasyon ng pulis, problema sa makina ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Hindi naman nagtamo ng anumang malubhang sugat ang sakay na dalawang pasahero.

Dinala ang mga ito sa Talavera General Hospital.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

 

 

114

Related posts

Leave a Comment