CHINESE ESTABLISHMENTS SA BORA BINABANTAYAN

boracay1

(NI MINA DIAZ)

MINOMONITOR ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga establisimyento na pagmamay-ari ng mga Chinese nationals sa Boracay kung prayoridad ang mga manggagawang Filipino, kasunod ng mga ulat na tinatanggap lamang ng mga ito ay mga dayuhan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III taliwas sa mga ulat na dagsa ang mga manggagawang Tsinoy sa Boracay.

Sa ulat na ipinarating ni Bureau of Local Employment Director Dominque Tutay sa kalihim, mayroon lamang 151 dayuhang manggagawa sa Boracay at 47 lamang dito ang Chinese.

Ani Bello, pawang may alien employment permit, mga skilled at professionals ang mga nasabing mga Tsino.

Hindi rin aniya alam kung saan  nagmumula ang balita na marami ang Chinese nationals na nagtratrabaho sa Boracay.

Sinabi ni Bello na hindi papayag ang  kagawaran sa pag-empleyo ng Chinese o alinmang dayuhan na makapagtrabaho sa isla lalo na kung may mga Pinoy na kayang gawin ang trabaho.

 

 

67

Related posts

Leave a Comment