70 PROVINCIAL BUSES HULI SA EDSA

edsabus12

(NI ROSE PULGAR)

NASA 70 ng provincial buses na ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa “no loading, no unloading policy” sa EDSA simula nang ipinatupad ito noong Lunes (Abril 22).

Ito ang pahayag nitong Sabado ni MMDA Edsatraffic czar Bong Nebrija, kung saan ang mga driver ng naturang mga provincial buses ay pagmumultahin ng halagang P500.

“Well, marami pa rin ang lumalabag at hindi nahuhuli dahil ang mga provincial bus drivers either baba after the enforcers or iiwas kung saan hindi sila maabot ng ating mga CCTVs,” ani ni Nebrija Ngunit binalaan ang mga ito ni Nebrija, na  matitiyempuhan  din sila at lahat ng provincial buses na maiisapatan ng kanilang cctv camera  na lumabag sa naturang regulasyon ay naka-record ang mga plaka nito sa MMDA.

Aniya, sa buwan ng Hunyo ay tuluyan nang iba-ban ang mga provincial bus sa EDSA.

Sa inaprubahang polisiya ng Metropolitan Manila Council (MMC), ang police making body ng MMDA,  ang local government units (LGUs), partikular sa Pasay at Quezon City, ay hindi na muling mag-iisyu ng business permit sa lahat ng bus operators  at terminals sa EDSA.

142

Related posts

Leave a Comment