DALAMHATI NG BIYUDA NI BATOCABE

gerti

(Ni JET D. ANTOLIN)

ANG nakatakda sanang masayang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary ang inaasahan ng biyuda ni Rep. Rodel Batocabe na si Gerti Duran-Batocabe. Naghihintay sya ng sundo ng asawa ng alas-4 ng hapon kung saan sila magse-celebrate kasama ang mga taga-Naga Dialysis sa BRTTH nang makatanggap ng tawag.

Pasado alas-3 ng hapon ng Sabado nang barilin at mapatay si Batocabe kasama ang police escort na si SPO1 Orlando Diaz matapos ang gift-giving sa Barangay Burgos, Daraga, Albay.

“Today is our wedding anniversary, you were going to pick me up at 4PM. Sabi mo sabay na lang ako sayo sa paparty mo sa mga naga dialysis sa BRTTH kasi thats the way you want to celebrate it. I was waiting for you, instead I got the call,” lahad ni Gerti sa kanyang Facebook page.

Hinding hindi umano niya makalilimutan ang araw na iyon. Sa nakalipas na ika-50 kaarawan ni Gerti ay sinorpresa umano siya ng kongresista sa lugar na gusto niyang makarating sa kanyang bucketlist. Sinabi nito na nami-miss niya ang dati nilang simpleng buhay ngunit hindi siya hadlang sa hangarin ng asawa na tumulong at manilbihan sa mga taong nangangailangan.

“I will never understand your world. Come back in my dreams Ba. Thank you my love…’ sabi pa ni Gerti

5

Related posts

Leave a Comment