TATANGGAP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan ngayong holiday season.
Sinabi ni Major Ericson Bulusan, spokesperson ng AFP-Northern Luzon Command na sa kabila ng hindi pagdedeklara ng suspension of military operations (SOMO) ng AFP ay napapanahon umano para sa mga NPA na bumaba sa kabundukan para sa kanilang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon.
Tiniyak ni Bulusan ang financial assistance na matatanggap ng mga rebelde na boluntaryong magbabalik loob sa pamahalaan.
Binigyang diin din ng opisyal na isinusulong ng kasundaluhan ang localized peace talk para matugunan ang mga problema o ugat ng armadong tunggalian sa puwersa ng pamahalaan at rebeldeng NPA./ jda
167