DRIVER PATAY SA KARIBAL

NEGROS OCCIDENTAL – PATAY ang isang jeepney driver makaraan pagbabarilin ng kanyang karibal sa babaeng kanyang karelasyon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Marlon Sixto, 36-anyos, ng Bago City, Negros Occidental.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Frank Alvarez Sr, 46-anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng pulisya, bago ang insidente sinundan umano ng biktima ang kanyang karelasyon at sa pagbaba nito sa jeep, pinigilan umano nitong tumawid  at  pinilit  umanong kinukumbinsing sumala sa kanya sa Bacolod City, sakto naman ang dating ng suspek at nakita ang ginawa ng bik-tima dahilan upang magalit ito at tuluyan nang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo ang biktima na  dahilan na ikinamatay.

Mabilis naman tumakas ang suspek angkas-angkas ang babae na  nalamang dati pala nitong ka-relasyon.

Makalipas ang apat na oras, lumantad ang babae sa mga pulis upang linisin ang kaniyang pan-galan.

Sinabi nito na natakot siya at nataranta sa nangyari kaya sumama siya sa suspek, na nadakip rin sa followup operation sa tulong na rin ng babae.

Nahaharap naman sa kasong pagpatay si Alvarez.

6

Related posts

Leave a Comment