NASA DRUG LIST TIMBOG

ARESTADO ang isang construction worker makaraan salakayin ng mga operatiba ng Novaliches Police ang hinihinalang drug den sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City, nitong Martes.

Ayon sa ulat, target ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na si alyas Ricky, isang construction worker at nasa drug watch list ng pulisya.

Si Ricky ay kilala rin umanong supplier ng armas at droga sa nabanggit na barangay.

Nakumpiska sa suspek ang mga sachet ng hinihinalang marijuana, shabu at dalawang baril.

Sinabi naman ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, ang suspek ay nagbibigay ng mga baril kapalit ng ilegal na droga.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ng shabu ngunit hindi umano siya nagtutulak.

Iginiit niyang itinanim lamang ng mga suspek ang sinasabing mga ebidensiya laban sa kanya.

Kasong illegal possession of dangerous drugs at illegal possession of firearms and ammunition ang isasampa laban sa suspek.

10

Related posts

Leave a Comment