CAVITE – Nagsasagawa pa ng imbentaryo kung magkano ang halagang natangay ng isang akyat-bahay makaraang pasukin ang isang tanggapan sa Trece Martires City noong Linggo ng umaga.
Inaalam din ang pagkakakilanlan ng suspek na pumasok sa opisina ng biktimang si Jose Sadaba Jr. y Salud sa Trece Martires, Cavite.
Sa sumbong ni Sadaba sa pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang natuklasan nito na pinasok ang kanilang opisina sa 2nd floor ng kanilang bahay.
Kabilang sa mga tinangay ng akyat-bahay ay mga cellphone, tablets, dalawang pirasong relo, ATM Cards, credit cards, driver’s license at mga tseke na nakaisyu sa biktima.
Base sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV) sa kanilang tanggapan, sinira ng suspek ang barbed wire sa bakod sa likod ng kanilang bahay at pumasok sa opisina sa bintana nito saka nilimas ang mga kagamitan. (SIGFRED ADSUARA)
56