HIGH GRADE MARIJUANA NAKUMPISKA SA 2 TULAK

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan makaraang makumpiskahan ng high grade marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Nasa kustodiya na ng Noveleta Police ang arestadong mga suspek na sina Cedric Gonzalez y Punay, 20, at John Prince Lofamia y Rodriguez, 18, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan na si Jen Joshua Marcial y Galario, 22-anyos, na mabilis na nakatakas.

Ayon sa ulat ni Corporal Rayson Mojica ng Noveleta Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Noveleta MPS sa Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kina Gonzales at Lofamia, gayunman nakatakas ang kasamahan nila na si Marcial.

Nakumpiska sa mga suspek ang 40.7 high grade marijuana (kush) na may street value na P5,000, at 4.70 gramo ng high grade marijuana na may street value na P600 na nakuha sa buy-bust operation, at isang black red na Honda Click 125 na motorsiklong walang plaka.

Kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 11 at Sec. 26 ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap na kaso ng mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

245

Related posts

Leave a Comment