CAVITE – Patay ang isang babaeng high school student makaraang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng kanilang eskuwelahan sa General Trias City noong Huwebes ng hapon.
Hindi naman binanggit sa ulat kung ilan taon at kung anong grade na ang biktimang estudyante ng Gov. Ferrer Memorial National High School.
Isinugod ang biktima sa Gen Trias Medicare Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.
Ayon sa ulat, nakitang umakyat ang biktima sa ikaapat na palapag ng isang gusali ng kanilang paaralan sa Brgy. Pinagtipunan, Gen. Trias City Cavite, at naglakad sa hallway.
Pagsapit niya sa bakod ng ikaapat na palapag ay umakyat ito at biglang tumalon dakong alas-1:03 ng hapon.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na dumaranas ng depresyon ang biktima sa hindi pa nabatid na dahilan. (SIGFRED ADSUARA)
121