HITMAN NG DRUG GROUP NAPATAY SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang construction worker nang manlaban umano sa drug operation sa bayan ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang suspek na si Dennis Badilles Caratihan, 40, residente ng Brgy. Macabling, Sta. Rosa City, umano’y siya ring hitman ng Vallejo drug group na nag-o-operate sa 1st at 2nd district ng Laguna at Muntinlupa City.

Ayon sa report ng pulisya, nanlaban si Caratihan sa mga pulis nang makatunog na mga operatiba ang katransaksiyon dakong alas-7:00 ng gabi na nagresulta sa kanyang pagkamatay. (NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment