ISDA PALIT ALAK, YOSI, NOODLES SA WEST PHIL SEA

fisher12

(NI MAC CABREROS)

IBINALIK ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea ang tradisyunal na kalakalan – ang barter trade o pagpapalitan ng produkto bilang bentahan na walang sangkot na pera.

Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, ipinapalit ng mga mangingisda ang kanilang huling isda sa produkto ng mga Chinese gaya ng alak, sigarilyo at noodles at kung minsan ay isda.

“Mas mabuti na ito kesa kinukuha na lamang na walang bayad ng mga Tsino ang aming huli,” pahayag ng isang mangingisda.

Kuwento nito na inaakyat ng mga Tsino ang kanilang bangka at pinipili at kinukuha ang magagandang isda na walang bayad.

“Wala kaming magagawa. Hindi kami makatanggi,” wika pa nito.

Pinag-aagawan ng Pilipinas at China ang ilang isla sa WPS kung saan mayaman sa lamang dagat gayundin na pinaniwalaang may nakaimbak na petrolyo at natural gas.

Batay sa history books, pinaniwalaang nagsimula ang bartering (mula sa salitang baretor) noong 6,000 BC (bago dumating si Cristo). Ito ay unang ginawa ng tribu sa Mesopotamia at ginaya ng mga Phonenicians saka lumaganap sa Babylonia.

 

203

Related posts

Leave a Comment