JOLO ‘BOMBERS’ NAHAGIP NG CCTV

teen

COTABATO CITY – NAGLABAS ang Philippine Army ng mga litrato ng tatlo sa apat na kalalakihan na umano’y suspect sa pagbomba sa Jolo Cathedral noong Linggo ng umaga.

Ang mga kabataang lalaki ay nahagip ng CCTV sa lugar. Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, ng Western Mindanao Command na ang apat na teenager ay pumasok sa simbahan at isa-isa umanong lumabas bago magsimula ang misa bandang alas-8 ng umaga. Ilang minuto ang nakalipas, dalawang pagsabog na ang narinig.

Ang naka blue green hooded jacket ay kinilalang si ‘Khama’, umanong kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader at sinasabing magaling na ‘bomb maker’.

13

Related posts

Leave a Comment