KABATAANG ESTUDYANTE NAISPATAN SA BAR ‘DI SA ISKUL

CAGAYAN DE ORO CITY – Ilang estudyante ang naaktohan ng mga awtoridad dito na nagpa-party sa loob ng bar at naglalaro ng online games sa internet cafe sa oras ng klase.

Nahuli ng mga tauhan ng Regulatory and Complaint Board (RCB) ang mga estudyante sa loob ng mga establisimiyento.

Depensa ng mga estudyante, hindi sila pumasok sa klase para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang kaklase.

Sinabi ni Atty. Edgardo Uy, chairman ng RCB, lumabag sa ordinansa ang mga establisimiyento nang payagan ang mga menor de edad.

Isinailalim naman ng City Social Welfare Development sa counseling ang mga estudyante.

Base sa ordinansang Comprehensive Children’s Welfare Code, magmumulta ng P1,000 ang operator kapag lumabag sa unang beses, P3,000 sa ikalawang opensa, at P5,000 sa ikatlong paglabag kasabay ang kanselasyon ng business permit.

Pinaigting ng RCB ang curfew ng siyudad na tinatawag ngayong Protected Hours for Children.

13

Related posts

Leave a Comment