KANDIDATONG MAYOR NAKALIGTAS SA AMBUSH

Nakaligtas mula sa tiyak na kamatayan ang isang kandidato sa pagka-mayor matapos na paulanan ito ng bala sa bayan ng Matuguinao, Samar kahapon.

Sa dami ng pinakawalang bala, himalang nakaligtas ang biktima na si Aran Dela Cruz Boller, 42, residente ng Barangay Mabuligon, Matuguinao na tanging isang bala lamang ang tumama sa kanyang kamay.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report, lumitaw na nangyari ang krimen sa San Francisco St., lungsod ng Catbalogan.

Politika ang isa sa mga tinitingnang motibo ng mga awtoridad habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

13

Related posts

Leave a Comment