KAWANI NG TRIKE REGULATORY BOARD, ITINUMBA

BIÑAN City – Binaril at napatay ng hindi kilalang suspek ang isang miyembro ng Biñan Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) sa nabanggit na lungsod noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Biñan Police, pauwi galing sa duty ang 44-anyos na biktimang si Jonas Cerdena nang tambangan ito ng suspek, hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Barangay San Antonio alas-8:00 ng gabi.

Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa Ospital ng Biñan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam ang motibo at mga responsable sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

100

Related posts

Leave a Comment