LPA MAGIGING BAGYO SA LOOB NG 36 ORAS

rain

(NI ABBY MENDOZA)

NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang Low Pressure Area (LPA) at sa loob ng 24 hanggang 36 oras ay magiging bagyo at tatawaging bagyong Amang.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas 10:00 ng umaga nang Sabado nang pumasok sa PAR ang LPA at huli itong namataan sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa Linggo ng gabi ang inaasahan nitong paglandfall at pagtama sa lupa ay hihina at babalik sa pagiging LPA.

Asahan umano ang katamtaman hanggang malakas na pagulan Sabado ng gabi sa Caraga, Davao Oriental, Compostela Valley, Camiguin at  Misamis Oriental habang sa Linggo ay asahang maulan sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol, southern part of Quezon, Romblon at Marinduque.

Bagama’t sa araw ng Lunes ay isa muling LPA ang bagyo ay maghahatid pa rin ito ng paguulan sa Visayas, Bicol, southern part ng Quezon, Romblon at Marinduque.

Nagbabala ang Pagasa  ng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar.

Ang papasok na bagyong Amang ay una nang inihalintulad ng Pagasasa bagong ‘Usman’ na tumama sa bansa noong Disyembre kung saan may 100 katao ang nasawi.

 

18

Related posts

Leave a Comment