MAGKAPATID NA LOLA TIMBOG SA DROGA

LUCENA City – Arestado ang magkapatid na lola sa anti-illegal drugs operation sa lungsod na ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang Lucena City Police ang mga suspek na sina Gloria De Chavez alyas Mommy, 61, at Zenaida De Chavez, 60, parehong residente ng Barangay Mayao Crossing.

Ang dalawa ay kapwa nasa street level individual (SLI) list ng Lucena PNP at may mga dati na ring kaso ng ilegal na droga.

Natiklo ang dalawa sa buy-bust operation ang mga operatiba ng Quezon Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at mga tauhan ng Lucena PNP, sa mismong kanilang bahay makaraang kumagat sa pain at nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng umano’y shabu kapalit ng P500, at nakumpiskahan ng 28 pang sachet na may timbang na 38 gramo at tinatayang P775,300 ang street value. (NILOU DEL CARMEN)

176

Related posts

Leave a Comment