MARAWI SEIGE MALABO NANG MAULIT — AFP

(NI JG TUMBADO)

TIWALA ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (WestMinCom) na hindi na mauulit pa ang limang buwang Marawi City siege sakaling bawiin ang martial law sa Mindanao.

Pagtitiyak ito ni AFP-WestMinCom chief Lieutenant General Cirilito Sobejana sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng batas-militar sa rehiyon sa Disyembre 31.

Binigyang-diin ni Sobejana na maliit na ang puwersa ng mga teroristang grupo sa bansa at wala nang kakayahan ang mga ito na makapaglunsad ng malaking pag-atake.

Noong buwan ng Mayo 2017 nang maglunsad ng pag-atake at pagkubkob sa Marawi City ang grupong Maute-ISIS na tumagal ng Oktubre.

“They are on the run. We will sustain it. As much as possible, we will confine itong terrorism problem particularly the ASG (Abu Sayyaf Group), BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters), and Jemaah Islamiyah,” dagdag ni Sobejana.

Iginiit pa ni Sobejana na kahit wala ang martial law, may mga magagamit pang bala ang militar tulad ng Executive Order 70 na makatutulong sa kanilang pagsisikap na tapusin ang problema sa terorismo.

“Our security posture will remain the same at tuloy ang ating isinasagawang focused military operations against various threat groups here in the area of responsibility of the Western Mindanao Command,” ayon pa sa heneral.

Sinabi ni Sobejana na mayroong walong dayuhang terorista ang kumpirmadong nasa Pilipinas habang 60 pa ang biniberipika ang presensya sa bansa.

127

Related posts

Leave a Comment