MAUTE GROUP AKTIBO SA DRUG TRADE; P8.1M SHABU NASAMSAM

maute22

(NI JESSE KABEL)

PINATUNAYAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na totoo ang akusasyon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na hindi lamang gumagamit kung hindi sangkot sa illegal drug trade ang mga teroristang grupo gaya ng ISIS influenced Maute terror Group.

Ito ay makaraang masamsam sa isang counter illegal drug operation ang nasa P8.1 milyong halaga ng shabu sa isang sinasabing kasapi ng Maute-ISIS terror group sa bayan ng Wao sa Lanao Del Sur.

Magugunitang sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City ay inihayag ng military na nahihirapan sila sa pakikipaglaban sa mga tila sabog na hanay ng mga terorista.

May mga drug paraphernalia ring nakukuha ang mga sundalo sa kanilang isinasagawang clearing operations.

Sa ibinahaging ulat ng PDEA tinatayang  nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska kay Amrodin Alan Bantog na miyembro ng teroristang grupo.

Nabatid na ang Maute group ang nagbibigay ng proteksyon sa mga tulak ng droga sa nasabing lugar kapalit ng pera.

Sa intelligence report na nakalap ng military at mga ahente ng PDEA, bahagi ng drug money na  kinikita  ni Bantog ay ibinabahagi  sa Maute terror group na pinamumunuan ni Owaida Marohombsar, alyas Abu Dar.

391

Related posts

Leave a Comment