MAYOR BALDO ISINUGOD SA OSPITAL

baldo200

ISINUGOD sa ospital ilang oras matapos arestuhin si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo na kinasuhan ng illegal possession of firearms ay nakaranas ng hyperventilation habang nasa loob ng selda. Tumaas ang blood pressure nito Martes ng gabi.

Sinasabing may asthma rin ang alkalde. Isasailalim si Baldo sa inquest proceedings Miyerkoles ngunit sinabi ng mga pulis na hindi tiyak kung makakaalis ng ospital ang mayor.

Si Baldo ang itinuturong pangunahing suspect sa pananambang at pagpatay kay AKO Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe noong December.

Sinalakay ang bahay ng alkalde noong Martes kung saan nakakuha ng mga armad gayundin ang sinasabing getaway car sa krimen.

Si Baldo ay naka-confine ngayon sa UST Hospital sa Legazpi City.

9

Related posts

Leave a Comment