MAYORALTY CANDIDATE, PRIVATE ARMY ARESTADO

mayor

(NI NILOU DEL CARMEN)

NALAGLAG sa kamay ng pulisya isang dating hitman at itinuturing na number 2 most wanted person ng Calabarzon sa isang operasyon sa Barangay Bagong Sikat,  Lemery, Batangas Huwebes ng gabi.

Inaresto rin ang dalawa pang lalaki na kasama nito sa sasakyan matapos mahulihan ng mga matataas na kalibre ng baril at ang kasama nitong kandidato sa pagka-alkalde na sasampahan naman ng kasong paglabag sa  PD 1829 o pagkakanlong sa taong wanted sa batas.

Batay sa report ng Calabarzon Regional police Office, dakong alas 10:20 ng gabi, nang isagawa ng magkakasamang mga tauhan ng Lemery police, Quezon at Batangas PIT/RSOU RID 4A at Candelaria police ang paghahain ng search warrant kay  Miko Michael Caguitla y Escueta na wanted sa kasong murder batay sa warrant of arrest mula sa   RTC Branch 53, Lucena City.

Nakasakay sa isang  Mitsubishi L200 pick-up ang suspek kasama ang iba pang naaresto na sina Vicente Andal, na nakuhanan ng kalibre 9mm na baril at mga bala;  Exequiel Caringal Jr. na nakuhanan naman ng Ingram Uzi 9mm; at si Lester De Sagun, 40 ,  na umano ay kandidato sa pagka-mayor ng bayan ng San Nicolas, Batangas.

Si Caguitla na tumatayo ngayong bodyguard ni de Sagun ay wanted sa mga  kaso ng pagpapatay sa Quezon province at Batangas na nangyari noong 2016.

Miyembro rin umano ito ng gun for hire group na ginagamit ng ilang pulitiko sa paglikida sa kanilang mga kalaban.

5

Related posts

Leave a Comment