MGA RESIDENTE SA PORAC SA KALSADA NATULOG

quakenight1

(NI DAVE MEDINA)

PATULOY na namamahay sa pagkatao ng mga residente ng Porac, Pampanga ang takot sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol, Lunes ng hapon, kaya mas pinili pa umano nilang matulog sa kalsada kaysa sa kanilang mga bahay.

Mas nakakaramdam umano silang ligtas sa pananatili sa mga daan kaysa magbalik sa mga bahay na mayroong posibilidad na gumuho o magiba laluna kung ikokonsiderang may bahagi ng mall na nagiba gayong apat na taon pa lamang natatapos ito.

Ikinukonsiderang pinakamasamang tinamaan ng lindol ang bayan ng Porac sa pagtaya ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad.

“Base sa report na nakuha natin, ‘yan ang may pinakagrabe na epekto rito sa Pampanga, itong sa Porac na nagresulta ng casualty,” sabi ni Jalad sa panayam sa media.

Nilinaw ng Executive Director na mayroong mga lugar  na apektado ng pag-uga at pagyanig ng mga gusali kagaya ng St. Catherine Church at Clark International Airport (CIA) kapwa sa Pampanga.

“Mayro’n din sa Lubao at mayro’n din naman damage sa Clark International Airport pero ito ay simpleng pagbagsak lang ng ceiling at saka iyung mga lighting na ‘di naman nagresulta ng casualty,” sabi ni Jalad .

 

83

Related posts

Leave a Comment