Motorsiklo sumabit sa truck MAG-ASAWA SUGATAN, 6-ANYOS PATAY

CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki habang sugatan ang kanyang mga magulang makaraang sumabit sa isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Gen. Trias City sa lalawigang ito.

Pawang isinugod sa ospital ang mag-asawang sina Eugene Aquino at Clarisse Aquino at ngunit hindi umabot nang buhay ang anak nilang si Jhariss Aquino

Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na si Charlie Imperial Jr., ng Lumang Bayan, Calapan City.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jayson Olivar, minamaneho ni Eugene ang kanyang motorsiklo habang angkas ang kanyang mag-ina, sa Arnalo highway sakop ng Brgy. Pasong Camachile 2, ng naturang lungsod dakong alas-6:30 noong Lunes ng gabi nang mag-overtake ito sa truck na minamaneho ni Imperial na nakahinto dahil trapik.

Ngunit nang umusad ang trapik at umandar ang truck ay sumabit ang motorsiklo naging dahilan upang mitumba ito.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit napuruhan ang bata na hindi umabot nang buhay. (SIGRED ADSUARA)

124

Related posts

Leave a Comment