(NI BONG PAULO)
BINIGYAN ng P1 milyon na reward ng provincial government ng Sultan Kudarat ang 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay Sultan Kudarat Gov. Pax Mangungudatu, isa ito sa paraan upang pasalamatan at kilalanin ang mga mabubuting ginawa ng 33rd IB sa pagsugpo ng kriminalidad sa lalawigan.
Sa mahigit isang taon pa lamang marami na umanong ginawa ang 33rd IB sa kampanya laban sa illegal na droga, pagpalalayas ng New People’s Army (NPA) sa ilang bayan sa Sultan Kudarat at pagkahuli ng mga bombers sa nangyaring pambobomba sa bayan ng Isulan noong Agosto 28, 2018.
Pinasiguro naman ng gobernador na patuloy silang susuporta sa 33rd IB para sa ikabubuti ng buong lalawigan.
Isang karangalan naman para kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang iginawad na award sa kanila.
Bonus na lamang umano para sa kanila ang naturang halaga dahil hangad lamang ng mga ito ang kapayapaan sa Mindanao.
Pinasalamatan din nito ang disiplina at dedikasyon ng lahat ng mga sundalo upang mabantayan ang seguridad ng publiko.
Balak naman ni Cabunoc na gamitin ang pera para sa kanilang moral at welfare activities upang mapaunlad pa ang kanilang pasilidad.
153