NGAYON ay mas importante na kay Judy Ann Santos-Agoncillo ang personal niyang buhay, ang kanyang pagiging ina at asawa.
“Mas sa family. Dalaga pa lang ako sinabi ko talaga sa sarili ko, kahit wala akong boyfriend nung time na… nakita mo naman ang schedule ko nun, alam mo kung gaano ako kapagod noon. Daig ko pa ang doktor!
“Prinamis ko sa sarili ko, siguro I was only twenty, papagurin ko yung sarili ko, sasagarin ko yung sarili ko sa puyat, pero pag nag-asawa ako, ako naman.
“Hindi ko pa nakikilala si Ryan nun, wala akong dyowa nun, ha? Naka-mindset ako, at twenty-six, dapat may anak ako.
“May plano na akong ganun. Kaya sinagad ko namang talaga ang trabaho ko hanggang magka-anak ako, hanggang magkaroon ako ng panganay.
“Yung bukas na bukas ang buhay ko, bukas na bukas ang bahay ko sa mga tao, wala akong itinago pero prinamis ko sa sarili ko, pag nagkapamilya ako at nag-settle down ako, ang akin, akin,” pahayag ni Judy Ann.
Napaka-ideal ng family life nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo at mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna.
“Uunahin ko ang pamilya ko, tapos ang trabaho. Kumbaga tatanggap pa ng trabaho pero eto yung oras ko ngayon, eto lang yung maibibigay ko.
“But I always say it in the most honest and most respectable manner. “Na, ‘Eto po yung schedules ng mga anak ko, eto yung mga alis namin, ayoko po sanang magtrabaho ng weekend kasi iyon lang yung walang pasok ang mga bata.’
“Hangga’t maaari, lahat ng activities ng mga bata; PTA meetings, graduation, of course communion, soccer tournament, kahit ano pa yan, dapat nandun ako.”
Na mas naka-focus si Judy Ann ngayon hindi sa pagiging artista kundi sa pagiging asawa at ina.
“Mas iyon! Pero siyempre hindi mo naman din talaga bibitawan ang pagiging artista. Hindi naman ako magpapaka-plastik at sasabihin kong hindi ko na kailangang magtrabaho.
“Of course not. Of course kailangan ko pa ring magtrabaho. Kaya ko nga ini-schedule ng maayos, kasi para magampanan ko yung dapat kong gampanan sa nakakayanan pa ng energy ko. Kasi ayoko namang pumasok sa trabaho tapos hindi ko kayang gawin, hindi ba?
“Parang unfair naman yun sa producers ko na tinanggap ko tapos hindi ko naman maiko-commit yung buong energy ko sa kanila tapos babayaran nila ako, napaka-unfair.
“So parang ngayon mas I live in the most honest, possible way kasi ayokong makasagasa, ayokong masabihan akong dumi-diva ako.”
Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Judy Ann ang teleseryeng Starla para sa ABS-CBN.
May online cooking show rin siya, ang Judy Ann’s Kitchen tuwing Sabado, 10:30 ng umaga sa Youtube channel na Judy Ann’s Kitchen.
Anong state of mind pinakamasarap magluto si Judy Ann?
“Pag nagmamadali!”
Emotionally; masaya, galit, malungkot?
“Pag galit, matagal akong magluto pag galit ako, as in matagal. Kaya nga napanganak yung “Angrydobo”, e. Kasi niluto ko siya from ten pm till six am, adobo lang yun!”
May LQ (lover’s quarrel) sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo noong mga oras na iyon.
“Oo,” at tumawa si Judy Ann.
Kung isang uri ng pagkain si Judy Ann, ano siya?
“Kung pagkain ako? Ang hirap naman niyan… ah, hindi, ako siguro, gusto kong sabihin na puwede akong maging Pad Thai, kasi matamis, maasim, maanghang, maalat-alat tapos puwedeng mawala yung anghang para sa mga bagets.
“Exciting kainin, may itlog, may kung anu-ano, ang daming nangyayari, ang daming texture.”
Ang Pad Thai ay sikat na noodle dish ng Thailand.
Ano namang uri ng pagkain si Ryan?
“Si Ryan kung pagkain siya, isa siyang bacon.
“Ang hirap i-resist ng bacon kapag nagdyi-diyeta ka,” at tumawa si Judy Ann. “Crispy na maalat, puwede mo siyang ihalo sa kahit anong pagkain.
“Puwedeng sa pasta, puwedeng sa kanin, puwedeng sa tinapay.”
243