P20-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA ZAMBO NG PHIL NAVY

cigaret250

(NI JESSY KABEL)

MILYUN-MILYONG halaga ng puslit na kontrabando ang nasamsam ng gobyerno nang  masabat ng Philippine Navy ang mahigit kumulang sa 2,000 kahon at nasa P20 milyon ng umano’y smuggled na sigarilyo  sa karagatan ng Zamboanga City Martes ng gabi.

Ayon kay Bureau of Customs district collector Atty. Sigmunfreud Barte Jr, ng mga nasabat na smuggled cigarettes ay galing umano sa Malaysia at naka-consign sa iba’t ibang pangalan.

Ayon kay Rear Erick A Kagaoan,  AFP Commander, Naval Forces Western Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Philippine Navy sa lugar nang mapansin nila ang bangkang may lamang mga kahon.

Akto umanong lalapitan ng mga tauhan ng Naval Forces ang natanaw na bangka subalit mabilis itong lumayo kaya’t hinabol ito ng Phil. Navy.

Nang maabutan, agad sinampa ng mga sundalo ang bangka at doon nadiskubre ang mga dalang kontrabando.

Walang maipakitang papeles ang mga tripulante ng bangka kaya dinala sila sa Bureau of Customs.

Ininspeksiyon din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga karton ng sigarilyo para masigurong walang nakasilid na droga rito.

Agad na ipinasa ng Navy sa Bureau of Customs, ang nasamsam na pinakamalaking halaga ng smuggled cigarettes na nasabat sa lungsod para matukoy ang tunay na halaga nito ang posibleng kakikilanlan sa mga recuiters .

Wala pang nagpapakilalang may-ari ng mga kontrabando kaya inirekomenda ni Barte na sirain na agad ang mga sigarilyo para hindi na mapakinabangan.

 

168

Related posts

Leave a Comment