P4-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang big time drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Pangadapon Maondan Macatiwas, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Group (PDEG), SOU 4A (lead unit), Dasmariñas Police, PDEA 4A, RID 4A, RIU 4A at IMEG 4A, sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 600 gramo ng hinihinalang shabu na P4,080,000 ang street value.

(SIGFRED ADSUARA)

143

Related posts

Leave a Comment