PANGULO ‘DI NAKADALO SA MARAWI CAMPAIGN RALLY

MARAWI12

HINDI nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa lungsod ng Marawi nitong Biyernes dahil sa masungit na panahon.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang masungit na lagay ng panahon ang rason kaya hindi nakalipad ang Pangulo patungo sa Mindanao State University main campus na siyang pinagdausan ng event.

“Hindi maganda ang panahon kaya minabuti na lang magpahinga ng Pangulo,” sabi ni Panelo.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDP-Laban spokesperson Ronwald Munsayac na hindi raw binigyan ng clearance ang helicopter ni Pangulong Duterte na makaalis sa lungsod ng Davao.

Susubukan naman aniya ng partido na mag-schedule uli ng hiwalay na campaign rally sa Lanao del Sur.

 

67

Related posts

Leave a Comment