(NI SIGFRED ADSUARA)
UMABOT na sa 73 ang bilang ng mga namamatay sa tigdas habang umabot na sa 3,077 ang bilang ng kaso sa CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon).
Sa Quick count ng Department of Health (DOH)-CALABARZON nitong alas-8:00 Biyernes ng umaga, umabot na sa 73 kaso ng namamatay sa tigdas habang 3,077 ang bilang ng kaso nito.
Nanguna pa rin Rizal sa may pinakamataas na bilang ng namamatay na 51 at may 1,586 na kaso, sumunod ang Cavite na walo ang namatay at 437 na kaso, Laguna na may pito ang namatay at 427 na kaso, Quezon na apat at may 298 na kaso at Batangas na tatlo at may 329 kaso.
Paliwanag ni DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo na ang pagtaas ng bilang ng namamatay at dahil sa pagkahawa at mahinang immune system ng mga pasyente.
Pinayuhan din ni Janairo ang mga magulang ng mga bata na agapan ang pagpapabakuna sa kanilang anak.