(NI JEDI PIA REYES)
NASA kabuuang P7.96 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Nino phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), mahigit 277,000 ektarya ng lupang sakahan ang nasira sa tag-init at katumbas ito ng halos 270,000 metric tons ng produktong pang-agrikultura tulad ng mais at palay.
Nasa mahigit 240,000 na mga magsasaka at mangingisda na rin ang naapektuhan ng pagkasira ng mga pananim at palaisdaan.
Sa bigas pa lamang, nasa P4.04 bilyon na ang pinsala habang P3.89 bilyon sa mais.
Sa kabila nito, positibo pa rin ang DA na maaabot ang target na produksiyon ng bigas at mais ngayong taon. May mga ayuda na ring ibinigay ang kagawaran sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.
426