(NI DAVE MEDINA)
NAREKOBER na ang mga katawan ng biktimang pilot at kanyang estudyante sa plane crash sa Bataan Biyernes ng hapon.
Nagawang pasukin ng joint task force ang masukal na crash site kaya nai-airlift na ang mga bangkay sa pamamagitan ng Philippine Air Force Sokol helicopter at dinala sa
Command Center Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan bago tuluyang inihatid sa Bayan ng Orani para sa kaukulang turnover.
Noong Lunes Pebrero 4, ang mga biktimang sina Capt. Navern Nagaraja (instructor) at Kuldeep Singh (student pilot) ay umalis ng Plaridel airport ganap na7:20 ng umaga at lumapag sa Subic Airport 30-minuto ang nakalipas para at 7:51″ touch and go landing maneuver”.
Nabigong makabalik ng Plaridel Airport ang Cessna C152 na may registry no.RP C 2724 at hindi makontak sa radar ng Iba, Lingayen, at Sangley towers.
Isang search and rescue (SAR) operations ang agarang isinagawa
mula sa Fliteline at isang Sokol helicopter ang kumilos para sa SAR operations sa katimugang bahagi ng Mount Sta. Rita.
Ang mga kinatawan ng Indian Embassy ay mabilisang tumungo ng Bataan para maibalik ang mga labi ng dalawang crash victim sa kanilang pamilya sa India.
Ang Joint Task Force ay binubuo ng Charlie Company 48th Infantry Battalion 7th Infantry Division ng Philippine Army, 1stProvincial Mobile Force Company PNP SAR Team, PNP Orani, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Orani, Civilian Drone Groups Volunteers, at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Bataan.
Isang masusing imbestigasyon ang gagawin ng Aircraft Accident Investigation Inquiry Board (AAIIB) sa sanhi ng crash.
165