RAPIST KALABOSO

PASUQUIN,ILOCOS NORTE – KALABOSO ang isang lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa sa kanyang step daughter at mahulihan ng ilegal na droga kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na si Rodel Agbayani, residente ng Brgy.Caruan, ng nasabing lalawigan.

Sa report ni  C/Insp. Roldan Suitos, hepe ng Pasuquin PNP, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa panggagahasa umano ng suspek sa dalagitang anak ng kanyang live-in partner.

Dahilan upang magsagawa ng operasyon  ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Nakuha pa mula sa pag iingat ng suspek ang isang granada at pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek.

13

Related posts

Leave a Comment